Book Read Free

Sombi

Page 4

by Jonas Sunico


  “Ambaho netong hayop na ’to; amoy baktol amp*ta!”

  Askal wagged his tail as if he was laughing at what Mr. Senator said but I didn’t understand a word he said. I wish I did. I could use a laugh now.

  The zombie then opened its mouth and the sounds it made were even creepier than what it looked like. It made baby like sounds and from its mouth came this milk-like liquid. The smell was horrible and it made Mr. Senator and I puke. Askal looked like he was tempted to eat the puke though.

  “That’s lungad. Suka o puke yan ng baby. Jo’, magready ka. Mukhang mapapasabak tayo. Di ordinaryong sombi to. TESbun na lalake? Kakaibang hayop ’tong makakatapat natin.”

  “Ha?” I did not understand a word he said. My nose bled instantly and I don’t know why. Maybe this staredown was making me nervous.

  “Pucha naman tol kelangan talaga nino-nosebleed ka? Sabe ko, you ready to fight now. This sombi is iba. Not normal. Abnormal! I count to three when I say three you make sugod… Uuhh Attack! Game? One… Two…”

  The zombie made the first move. Damn it, I wasn’t even done cleaning my nose yet. Jerk.

  Despite its size the zombie moved quickly and we were easily scattered. Mr. Senator moved to the left; Askal to the right. And me… I was still not getting the hang of the whole fighting thing so instead of stepping back I charged forward.

  Wrong move.

  The zombie tackled me and it was on top of me in an instant. It didn’t try to bite me though. It puked in my face, the lungad smelled like 3-day old dead rat topped with rotting fruit sprinkled with curdled milk with a dash of shit. It was sticky and I couldn’t see a thing.

  I heard Askal barking with rage and coming to my aid and I also heard Mr. Senator ready to take aim but not without some encouraging words… I think. He said “G*go! Ang engot mo: ako nga umatras tas ikaw susugod. Saglit lang titirahin ko na!” I’m pretty sure he said some encouraging things.

  He did shoot it and I heard the bullets hit their mark but the zombie wasn’t affected. Meanwhile all I could do was hold my breath and push the zombie’s bunganga as far away as I could. Then the weight that held me down disappeared quickly. Not the lungad though. It was stuck to my face.

  I could barely see but I knew that Askal tackled the zombie for me. Saved by the dog again. I think I’m starting to like him.

  I hear shots, Askal’s growling, Mr. Senator’s shouting and here I am useless and covered in lungad. It’s really sticky and I’m taking a while to get it off my face, even just off my eyes.

  After a minute or so I manage to take some lungad off and in front of me, I see Askal pulling the zombie by the legs and Mr. Senator trying to get a clear shot but his shots are useless.

  I charge again. Yeah I did it again. I could get killed this time but it beats being useless. I smell awful by the way. Mr. Senator and Askal might exile me after this fight. Well, Mr. Senator might but Askal won’t. Askal’s loyal to me for some reason… And I think he would really like to eat the lungad. I hope his biting the zombies won’t affect him though. But it’s been days since he bit a zombie. I haven’t seen anything different since.

  I swing at the legs of the zombie first but it’s unaffected. Its legs are pretty damn sturdy despite its size. It looks at me in an instant. This time I continue to hit it with Woody but all my weapon does is make it flinch. After my nth strike, Lucky Woody breaks in half.

  I stare at the sharp end of what my weapon used to be and I become depressed all of a sudden. I’m quite sentimental with what I have nowadays. Then I look at the zombie and he’s staring at me. Grinning from ear to ear. Askal is still biting its legs and Mr. Senator is still shooting at it but it doesn’t change the fact that I am a dead man.

  All I can do is stare down at my broken weapon and frown. Lucky Woody. My sturdy wood is now broken in half. Broken. Broken in half. With a sharp end…

  I know what I have to do.

  I stab the asshole right where I know it will hurt. Its stomach. God knows what’s inside it but I have no other place to hit it. Headshots wouldn’t have worked anyway.

  It falls slowly and for sure this asshole is dead (as if it wasn’t already dead). His eyes roll back. And in a great sigh of relief Mr. Senator and I fall on our asses while Askal jumps up and down in excitement. As expected, he rushes to me and licks my face. I let him do it; I don’t think the virus affects animals anyway.

  Mr. Senator and I laugh and laugh as Askal eats lungad. What an end to the battle *grumble* *grumble*, which may not be over yet.

  The stomach of the zombie rips open and the baby sounds from earlier become much clearer. A baby comes out of it. The baby is deformed and it’s a zombie for sure. It’s quick. Very quick.

  In a matter of seconds the baby’s on top of Mr. Senator getting ready to eat his face off. Askal and I quickly rush to his aid.

  “Saglit lang po! Mr. Senator! Wait.”

  I have no weapons so I do what I think is the best move. I make sipa or tadyak the baby—it’s one solid kick. The baby gets thrown a few feet away and Mr. Senator once again displays his pagiging masamang puwet. He grabs two knives from his legs and throws them with precision. One to the baby’s heart. And one to his brains.

  The baby’s cry falls silent.

  Now it really is over. But just for good measure, Askal bites the baby and flails it around like a ragdoll.

  Mr. Senator and I resume our laughter, this time we laugh at sa pagiging sadista ni Askal.

  “Meron akong piling na that’s not the only zombie na ganun ang ma-see-see natin. Let’s give it a name. TESbun.”

  TESbun huh, I like it. I don’t know what it means but I like its uniqueness. It’ll do.

  I guess Quirino Grandstand will be our camp site tonight.

  Mr. Senator walked towards me and puked in an instant.

  “Nak ng tokwa tol maligo ka nga! Bluwaaaargh!”

  Medyo shaky pa rin ako sa tanong kanina. Akala ko tutuluyan na ako ni Father e. Nagtatanong lang pala siya. Reply ko sakanya “Di ko alam.” Sabe lang niya, “aah.” Balot na balot ng misteryo ’tong taong ’to pero safe ako sa piling niya. Parang tatay kumbaga.

  Kanina nga lumabas ang pagiging makatao niya. May narinig kasi kaming sumisigaw ng tulong sa labas. Ako, ayokong papasukin, mahirap na. Napakaraming sombi na kumakalampag sa pinto ng Quiapo Church. Wala silang papasukan. Pero si Father gustong magpakabayani at sagipin yung nasa labas. Di siya nagdalawang isip na buksan ang pinto. Buti at nakapitan ko yung sotanang suot niya.

  “Tuturo ko na lang sakanya yung dinaanan ko sa taas!”

  “Dalian mo hija!”

  Pero sa puntong yun narinig naming ang boses nung taong sumisigaw kanina. Rinig na rinig namin na nalulunod na siya sa sarili niyang dugo. Patay na siya. Di na ’ko magdududa rito kay Father. Mukhang hindi (o hindi na) sanggano ang nakita ko rito sa Quiapo.

  Di pa rin natigil ang pagkalampag sa pinto rito sa simbahan. Ang sabi saken ni Father, simula nung nagkulong siya rito kumakalampag na sila. Sampung araw na ang nakakalipas. Sampung araw na rin ang nakalipas mula nung nagkulong ako sa banyo ng Jollibee. Pero parang kuntento na ’ko na sa piling ng Diyos makulong, kesa sa piling na isang dambuhalang bubuyog.

  Sa tingin ko oras na para kilalanin ko si Father. “Father…” sabi ko.

  “Wag mo na alamin ang tunay na pangalan ko hija. Oo dati akong preso. Tumakas ako mula sa Muntinlupa City Jail at napadpad ako rito. Nakatakas ako bago magkagulo dun. Pagkarating ko sa Maynila, eto, nagsimula nang mangain ang mga sombi.

  “Nakapatay ako ng limang tao kaya ako nakulong. Kamao lang ang ginamit kong pampatay sa kanila. Eto rin ginamit ko para di ako makain dito. Di ko hinuhubad ’tong damit na pampreso ko para ipaalala ko sa sarili ko na nagkasala ako.

  “Ngayon… bakit ako nagbagong-buhay?

  Nagbagong-buhay ako kasi binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos dito sa Quiapo Church. At inatasan niya ’ko na protektahan ang mga sasalba sa mundong ito. Ikaw na ang isa dun.

  “Isang gabi nang natulog ako dun sa confession bo
oth, napanaginipan ko na may kausap akong isang nilalanag na nasa langit. Maliwanag nun, sobrang liwanag. Nagkakantahan ang mga anghel at napakalalim ng boses ng kausap ko. Malamang na malamang ang diyos yun. At ang sabi niya sakin, ang unang taong makakasalamuha ko rito sa Quiapo Church ang isa sa sasalba satin. Ikaw yun ’Ne.

  “Tawagin mo na ’kong baliw kung gusto mo pero alam kong darating ka rito. At makakarating din dito ang dalawa mo pang kasama. Malapit na sila. Ayokong pumalpak sa trabahong pinaubaya sakin ng Diyos kase natatakot akong mapunta sa impyerno.

  “Okay na. Di ako masalitang tao hija, pero mabait na ’ko. Sana nasagot ko na mga katanungan mo.”

  Speechless ako.

  Sana di 100% sure na totoo ang mga sinasabi ni Father. Ayokong mapunta sa balikat ko ang sangkatauhan. Kahaggard kaya. Pero gusto ’kong may makasamang iba kaya gusto kong makita pa ang mga nakatadhana kong makasama. Gosh I’m so egzoited.

  *Krang!*

  May narinig kaming nabasag na salamin sa kwarto sa taas. Nagkatinginan kami ni Father at alam naming pareho na may masamang nangyari sa taas.

  Sana may nakapasok lang.

  Kinuha ko ang machete ko. Ang aking trusted machete. Eto namang si Father may kinuha sa bulsa niya. Nang muli niyang inilabas ng mga kamay niya, may mga brass knuckles nang nakasuot sakanila. At jusko, ang lalaki ng spikes na nakakabit sa knuckles niya. Ready na si Father, gumaan ang feeling ko bigla.

  “Ako mauuna. Pag di natin kinaya ’tong mga ’to, may secret na daanan dun sa ilalim ng Black Nazarene. Angat mo yung tela tapos may makikita kang pinto dun na nakalock. Para mabuksan yun, dapat kurutin mo ang pisngi ng Nazareno.”

  “Weh?”

  “Magtiwala ka sakin… May napulot akong instruction manual dun sa likod. Sa may tapat ng ilog ang labas niyo. Di ko alam kung sang ilog pero nung pumasok ako dyan, napakabaho so…”

  “Baka kadugtong ng ilog Pasig yung padpad namin.”

  “Tama. Let’s go. Banatan natin ang hampaslupang nanghimasok.”

  8

  Kinabog ng sombi na ’to. Full tank na full tank ang trip ni ate… Kuya? Ewan ko ba rito.

  Ang haba haba ng mga kuko niya tas ang tutulis sa dulo. Base sa itsura ng kuko niya na medyo sira sira na, tantiya ko’y nag-ala-Gagamboy siya paakyat ng Quiapo Church. Umakyat siya tas binasag yung bintana para makapasok. Yun yung narinig namin ni Father.

  Over din sa lipstick ’to. Pero di ako sure kung lipstick nga ba o dugo, basta napakaperfect ng pagkakalagay sa labi niya na nagbibitak-bitak na. At eto pa… Foundation day si ate/kuya. Jusko! Dinaig pa niya ang siopao sa puti at kapal ng foundation niya. With matching eye shadow, blush on, check line pa. Complete ang mukha ni ate/kuya. Ready na um-aura hahaha.

  “Di normal na sombi ’to. Di ko alam ang itatawag ko sa ganitong sombi… Mag-isip ka nga ng pangalan neto, mahilig akong binibigyan ng pangalan ng mga bagay-bagay e.”

  Ano ba ’tong sinasabi ni Father na di normal? E mukha namang nadali lang ’tong baklang ’to nung kumalat ang virus, anong espesyal sakanya? Mukha siyang Special Espasol at yun lang. Siguro napansin ni Father ang mukha ko na nagtataka.

  “Mamaya i-e-explain ko ang mga pinagsasabi ko. Unahan na natin ’tong baklang ’to.”

  At Agad-agad sinugod ni Father ang beking sombi. Grabe kumilos si Father, para siyang si Pookquiao kung makipaglaban. Ilag dito, ilag doon. Uppercut dito, uppercut doon. Nutshot dito… Nutshot doon. Napapailing lamang ang sombi sa mga suntok ni Father. Butas butas na nga katawan niya dahil sa mga spikes sa brass knuckles ni Father e. Siyempre pumapalag ang bakla, nakikisabay siya sa mga suntok ni Father at kinakalmot siya. Mukhang di naman malalim ang mga kalmot pero bakas sa mukha ni Father na nasasaktan siya.

  Bigla-biglang napaluhod ang sombi. Baklang bakla ang tunog na ginagawa nung sombi kanina pa, sakit sa tenga ng tili niya. Mukhang kaya nang tapusin ni Father ’to. Tumingin sakin si Father at ngumiti. Senyales na tapos na ang laban. Ni hindi man lang ako pinagpawisan… (Pano, hindi ako gumalaw.) Hangang hanga ako kay Father at sa kanyang boxing skillzzzz!

  Sa isang iglap, nagbago ang kurso ng laban. Binuka ng sombi ang bunganga niya at dun lumabas ang napakahabang dila niya. Pero kakaiba ang dilang ito: meron parang tubo sa dulo nito. Di ko alam ang nagagawa nun pero tama si Father. Special ’to.

  Sa takot, di ako makakilos sa kinatatayuan ko. Biglang dumikit ang dila niya sa binti ni Father, tapos nung tumalon ang sombi sa dingding—para siguro di siya maabala sa ginagawa niya—nung pagaakyat niya—nahatak si Father at napalambitin siya ng at least 4 feet mula sa sahig.

  “Teka, nanghihina ako! Anong ginagawa neto? Hinihigop ng baklang ’to ang lakas ko! Kung di ka lalaban, tumakbo ka na papunta sa Nazareno at tumakas ka na habang busy ’tong baliw na ’to.” Sigaw ni Father na tila hinang-hina na.

  “F-father lalaban po ako!”

  Tumakbo ako papalapit kay Father at napatingin ako sa baklang humihigop sa lakas niya. Di lang pala nahihigop ang lakas ni Father, bumabalik pa ang lakas ni bakla. Humihilom pati ang mga sugat niya.

  Pagdating ko kay Father, kulay gray na siya. Di lang yun, wala na rin siyang malay. Kung di bumitaw ’tong baklang ’to baka matuluyan si Father.

  Naisip ko ang obvious gawin. Putulin ang dila ni bakla. Kaso di ko abot sa taas at nababalot ’to sa sotana ni Father. Sorry sa gagawin ko Father, pero di ka naman siguro maiinis. Simpleng bagay lang naman e. Aakyatin kita… Tapos huhubaran kita para madalian akong tanggalin yung dila na balot na balot sa sotana mong ke haba haba. Mas madali naman siguro yung tastasin ko damit mo at hubaran ka kesa dahan-dahan pang alisin ito.

  At eto na, inaakyat ko na si Father. Nakatingin ako dun sa sombi: di siya umiimik. Parang sarap na sarap siya kay Father. At eto naman si Father, sana masarapan siya sa nakasungalngal sa bunganga niya ngayon: yung paa kong makalyo.

  Ganito ang posisyon namin ni Father: nakapasok ang kaliwa kong paa sa bunganga niya, tapos ang kanan nama’y nakalambitin lang. Ang kanan at kaliwang kamay ko, mahigpit na nakakapit sa pisngi ng pwet niya (na nasugatan ko ata gamit ang kuko ko habang tinatastas ko ang damit niya gamit ang bibig ko). Unbelievable? Believe it. Nahubad ko na damit niya at nakita ko kung san nakakapit yung dila ni bakla… Sa toot toot ni Father. Di ko pala basta basta mapuputol ’to kasi baka matuli ulit si Father.

  Hinawakan ko yung dila at least 16 inches away sa toot toot ni Father—di naman siguro abot dito yung kanya, noh. Di kaya ng isang taga yung dila: ang tibay niya. Parang rubber. Kelangan ko pang lagariin.

  Pagkatapos ng ilang segundo, naputol na rin ang dila at lumagapak kami ni Father. Nagtitili naman ang sombi na nahulog sa dingding. Tumayo siya. Bumalik sa normal yung dila niya. Humilom na lahat ng sugat niya. Special talaga, ika nga ni Father. Tulog pa rin siya. Mukhang ako naman ang sasabak.

  Sumugod ang bakla at siyempre umilag ako. Kaso, mas mabilis siya kesa kanina nung naglalaban sila ni Father, kasing bilis na niya si Father. Ako naman ang sumugod. Kaso, nung hahataw na ang machete ko, sinangga niya gamit braso niya… Parang yung mismong mga ginagawa ni Father.

  Ginawa niya ang unexpected, inaangat niya ang kamay niya gaya nung stance ni Father. Di lang niya napagaling sa pamamagitan ng paghigop yung katawan niya, nakopya niya rin ang kilos ng nahigop niya. Maangas na kung maangas, pero di ’to ang oras para maelib ako. Bullshit naman talaga. “Father gising na!”

  Lumapit na siya sakin at bumato siya ng uppercut (sa totoo lang di ko alam ang mga tawag sa suntok sa boxing. Basta mukhang professional punch, uppercut tawag ko), nasapul ako sa kanang pisngi. Namaga agad, ang lakas nung suntok niya. Di pa nakuntento si bakla, nung nakayuko ako rinagukan pa niya ’ko.

  Nandilim agad paningin ko. Tuloy-tuloy siya sa pagbatok sakin, panigurado puro bukol na ’ko. Dumadanak na ang dugo. Mukhang game over na. Ang tagal ko maknock-out, aah, sana matuluyan na ’ko para tapos na ’to.

  Tapos ng mahigit sampung batok wala na ’kong makita sa dami ng dugong tumutulo. At tapos ng 5 pang batok, tumigil na sila. Narinig ko na lang na sumigaw ang bakla.

  Nagpunas agad ako ng mata para makita kung ano ang nangyari. Pag tingala ko, nandun si Father. N
amumutla pa rin at nasa kamay niya ang ulo ng sombi. Tumumba sa harap ko ang katawan. Sa itsura ng leeg neto, mukhang inikot muna ni Father ang ulo niya bago niya ’to hinugot.

  “Nakaisip na ’ko ng pangalan sa sombi na ’to kaya ako nagising… BADing. Ano sa palagay mo? Ayos lang ba?”

  Sabay kaming humalakhak at bumulagta sa sahig.

  9

  Di lang daw yung BADing ang special na type ng sombi. Meron pang 4 na special. Di sinabi ni Father kung pano sila nabuo at kung pano sila naging special, basta iwasan daw naming 3 yun. Nga pala, nagbigay ng clue si Father tungkol sa isa kong makakasama.

  “Mahilig siyang dumila.”

  Yan lang daw ang clue na binigay ng Diyos sakanya. Nangilo ako sa narinig ko… Mahilig mandila??? Ew. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

  Isang oras pa lang ang nakakalagpas tapos nung atakihin kami ng shokla na yun. Ambaho na ng damit ko. Puro dugo. Pinasuot muna ako ni Father ng sotana na nakita niya sa isang cabinet sa taas.

  Mukhang nanghihina pa rin siya. Inubos talaga ng BADing ang lakas ni Father. Agad-agad natulog si Father tapos niya kong asikasuhin. Ako naman, nilabhan ko ang damit ko. Namula agad ang tubig nung nilublob ko ang blouse ko. Etong batok ko naman, andaming bukol at sugat. Magaling din palang manggagamot si Father.

  18 stitches daw ang inabot ko sa pandadagok at pambabatok sakin kanina. Di man lang ako nakaganti.

  Antagal matuyo ng damit ko, di ako kumportable sa suot ko. Mukhang di rin ako makakatulog ngayong gabi. Feel ko naman na safe na matulog kaso, di talaga ako inaanto…

  Zzzzzz….

  I wake up to the daily morning torrid kiss by Askal which I’m used to. I’m thinking about giving him mouthwash to make it MORE bearable. After the laban last night we made our way to a 7-11 to sleep. Malapit na kami sa Quiapo Church, ilang lakad na lang daw at nandun na kami. Dapat daw magpahinga na ako kasi di muna kami tutuloy pa-Quiapo. Bano daw ako makipaglaban kaya dapat magtraining kame.

 

‹ Prev