Philippine Folktales

Home > Other > Philippine Folktales > Page 4
Philippine Folktales Page 4

by Joanne Marie Igoy-Escalona


  Iba pang May-akda

  ANG MGA BATA SA KAGUBATAN

  Mula sa koleksiyon nina Clara Kern Bayliss, Berton L. Maxfield,

  W. H. Millington, Fletcher Gardner, at Laura Watson Benedict.

  Noong unang panahon, may isang malupit na ama na galit na galit sa kambal niyang anak na sina Juan at Maria. Pinapaalis niya ang mga ito sa tuwing makikita sila.

  Nabubuhay ang mga bata sa mga butil ng bigas na nahuhulog sa sahig na kawayan na ipinupuslit ng ina nila para sa pagkain nila.

  Noong anim na taong gulang na sila, dinala sila ng ama nila sa kagubatan at iniwan doon nang walang pagkain o inumin. Nagpagala-gala sila sa loob ng tatlong araw at nabuhay sa pagkain ng mga prutas at dahon na kanilang naipon.

  Sa bandang huli, nagsabi ang kawawang si Maria na hindi na niya kayang lumayo pa dahil baka mamatay na siya. Pumutol ng kawayan si Juan, biniyak ito, at ipinainom kay Maria ang sariwang tubig mula dito. Saka siya umakyat sa puno at mula roon ay natanaw niya ang isang bahay. Pagkaraan, nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating nila ang bahay. “Tao po…” ang sabi ng dalawa. May sumagot mula sa loob ng, “Tumuloy kayo, mga bata.” Pumasok sila at nadatnan ang isang hapag-kainan ngunit wala ni isang tao. Muli nilang narinig ang parehong tinig na nagsabi, “Kumain kayo at uminom hanggang gusto n’yo.” Sumunod naman sila. Pagkatapos magsabi ng, “Salamat. Paalam,” naisipan na nilang umalis. Subalit nang paalis na sila, sinabihan silang manatili roon. Tumigil sila roon sa loob ng mahabang panahon hanggang sa nagbinata na si Juan at si Maria naman ay nagdalaga na. Kumuha sila ng mga bagong damit mula sa isang napakalaking baul na nasa sulok dahil luma na ang suot nila. Hindi nauubusan ng laman ang baul, at palaging may pagkain sa mga mahiwagang pinggan sa mesa.

  Gabay ng Guro

  Isinulat ni

  Ramon C. Sunico

  at

  Katrina C. Guevarra

  Batay sa balangkas ni

  Joanne Marie Igoy-Escalona

  Para sa Guro

  Isang paraan ang Gabay na ito para matulungan ang mga guro sa kanilang paggamit sa mga kuwentong nakapaloob dito. Sumusunod ito sa mga rekomendasyon at patnubay ng DepEd para sa wasto at mabisang pagpapatupad ng Mother Tongue Based-Multi-lingual Education (MTB-MLE).

  Malaking tulong sa mga editor at publisher ang “Integrated Language Education: Transitioning Mother Tongue to Filipino to English” seminar na pinangunahan ng Philippine Association for the Career Advancement of Education (PACAE). Isa sa mga naging tagapanayam ay si Dr. Roderick Aguirre, isang edukador, awtor, at konsultant ng DepEd. Sa kaniyang slide presentation at naging inter-aksiyon sa mga kalahok na guro, binigyan niya ng diin na mahalaga ang pag-alalay sa mga mag-aaral. Ipinaliwanag din niya na sa sistema ngayon nagsisimula ang mabisang edukasyon sa pag-alam sa mga pangangailangan at karanasan ng mismong mag-aaral.

  Upang malaman ang mga pangangailangan ng mag-aaral, mahalaga para sa isang mabisang guro na:

  1. Obserbahan (tingnan at pakinggan) kung anong wika ang kumportable at nasisiyahan silang gamitin

  2: Gumamit ng wika (unang wika) bilang simula at tagpuan para sa mga mag-aaral upang matuklasan nila ang mundo ng pagsalita, pagbasa, at pagsulat. Mahalagang tandaan na mauuna ang pagsalita sa pagbasa at susunod naman sa pagbasa ang pagsulat.

  Para sa mga guro, nangangahulugan ito ng paghihikayat sa mga mag-aaral na huwag matakot magsalita, magkuwento, at magpaliwanag ng saloobin gamit ang kanilang unang wika.

  Dagdag na impormasyon

  Sa simula ng karamihan ng mga kuwento sa aklat na ito, may pamagat ng kuwento at isang tala mula sa orihinal na mga mananaliksik, tulad ni Fansler o Cole, may pangalan ng sinumang tagapagsalaysay ng kuwento, at ang tiyak na rehiyon na pinagmulan ng kuwento, o gaya ng kay Cole, isang tribu na pinagmulan nito.

  Magagamit ng guro ang mga tala na ito sa kanilang pagkukuwento tungkol sa pinagmulang probinsiya, tribu, o rehiyon. Sa ilang pagkakataon, maaaring bigyan ng diin ng guro na nagmula ang mga kuwento sa sariling rehiyon, probinsiya, o tribu ng mag-aaral.

  Sang-ayon sa “Full Report for the Policy Recommendations for the Basic Education Sector Reform Agenda for the National Language and Literacy Learning Strategies for the Filipino and English Languages,” ni Dina Joana Ocampo Cristobal, Undersecretary for Programs and Projects ng DepEd, ang sumusunod ay ang mungkahing programa para sa pagpapaunlad ng wika at literacy:

  “2. Sa Grade 1, ang wika ng bata ang medium ng pagkatuto sa lahat ng asignatura. Itinuturo ang literacy gamit ang wika ng bata. [Pagakatapos nito] Ituturo ang Filipino at Ingles (at kung kailangan, Arabiko) bilang asignatura para sa pagpapaunlad ng kanilang wikang pasalita.

  “3. Sa Grade 2, ang wika ng bata ang medium ng pagkatuto sa lahat ng asignatura. Ituturo ang literacy sa Filipino bilang bahagi ng asignaturang Filipino. [Pagakatapos nito] Ituturo ang Ingles (at kung kailangan, Arabiko) bilang asignatura para sa pagpapaunlad ng kanilang wikang pasalita.

  “4. Sa Grade 3, ang wika ng bata ang medium ng pagkatuto sa Matematika at Agham. Filipino ang wika ng pagkatuto sa MAKABAYAN at sa asignaturang Filipino. [Pagakatapos nito] Ituturo ang literacy sa Ingles bilang bahagi ng asignaturang Ingles. (Kung kailangan, ituturo ang Arabiko bilang asignatura para sa pagpapaunlad ng wikang pasalita.)”

  Tandaan ang pagpapaunlad sa wikang pasalita sa mga level na ito.

  At bilang pagsasaalang-alang dito, inedit ang katipunan ng mga kuwento dito sa pagtatangkang iangkop ang wika, hanggang maaari, sa paraan ng pagsasalita sa kasalukuyan (o moderno) ng mga nasa Grade 1 hanggang 3. Sa gayon, mas maunawaan nila ang mga teksto.

  Bilang bonus, gumawa ang mga editor at publisher ng checklist ng mga mungkahing pamagat para sa bawat grade level batay sa kaangkupan ng nilalaman ng bawat kuwento. Ito’y para mas matulungan ang mga guro sa pamimili ng kuwentong ituturo sa bawat level.

  Grade 1 Grade 2 Grade 3

  Ang Ginintuang Tuntunin ✓ ✓ ✓

  Ang Uwak at ang Lamiran ✓ ✓

  Ang Kalapati at ang Uwak ✓

  Ang Nawawalang Kuwintas ✓

  Ang Unggoy at ang Buwaya ✓ ✓

  Ang Kuwento ng mga Daliri ✓ ✓ ✓

  Ang Pitong Kuba ✓

  Kung Bakit Laylay ang Balat sa Leeg ng Baka ✓ ✓ ✓

  Ang Paglilitis sa mga Hayop ✓

  Ang Di-pantay na Laban: O Kung Bakit Hati ang Kuko ng Kalabaw ✓ ✓ ✓

  Ang Pagong at ang Matsing ✓

  Si Maria at ang Ginintuang Tsinelas ✓ ✓

  Ang Araw at ang Buwan ✓ ✓ ✓

  Ang Lalaki at ang Kaniyang mga Niyog ✓ ✓ ✓

  Kung Paano Nagkaroon ng Buwan at mga Bituin ✓ ✓ ✓

  Ang Kalabaw at ang Susô ✓

  Ang Unang Matsing ✓ ✓ ✓

  Ang Labanan ng mga Alimango ✓

  Ang Pangulong Nagkaroon ng Sungay ✓

  Bakit Ikinakawag ng mga Aso ang Buntot Nila ✓

  Ang mga Bata sa Kagubatan ✓ ✓

  Mayroon ding anim na activity sheet na may mga larawan itong Gabay sa Guro para maging mas kasiya-siya sa mga batang mambabasa ang pag-aaral sa mga kuwento at mga tauhan.

  Para sa mga may mag-aaral na nasa kindergarten hanggang Grade 1, mungkahing gawin ang mga ito sa pamamagitan ng board work o recitation sa halip na pasulatin o pasagutin sa papel ang mga mag-aaral.

  Para sa mga may mag-aaral na nasa Grade 2 hanggang 3, maaaring pasagutin ang mga mag-aaral sa papel. Maaari niyang ipakopya nang marami ang mga activity sheet at ipamahagi sa klase. Bukod sa mga pagsasanay sa activity sheet, mungkahi rin ang sumusunod na mga gawain:

  • Paggawa ng maskara: Padalhin ang mga mag-aaral ng larawan ng mga hayop na gusto nilang maging (maaaring nakaprint, ginupit, o iginuhit ng kanilang mga magulang/tagapangalaga). Sabihin sa kanilang gawin itong maskara.

  • Pagguhit sa paboritong tauhan ng bata na nasa aklat

  • Pagguhit sa isang tagpo mula sa kuwento (para sa mas mataas na level)

  • Pagsasadula ng kuwento/Role playing

  • Paghahambing sa mga kuwentong alam na nila mula sa TV, cartoons, at pelikula.

  Activity Sheet
1

  Iguhit ang nawawalang bagay sa tagpong ito.

  Activity Sheet 2

  Isulat sa patlang ang tawag sa unang tatlong larawan. Ayon sa kuwentong “Ang Araw at ang Buwan” ano ang nagiging dahilan ng pagsayaw ng mga babae? Isulat ang sagot sa huling patlang sa ibaba.

  Activity Sheet 3

  Ano ang tawag sa bawat daliri sa inyong wika? Isulat ang sagot sa patlang na nakalagay sa bawat daliri.

  Activity Sheet 4

  Tingnan ang larawan sa ibaba. Tungkol sila sa kuwentong “Ang Lalaking May Mga Niyog.” Ano kaya ang sunod na mangyayari? Iguhit ito sa ikatlong kahon.

  Activity Sheet 5

  Galing ito sa “Ang Unang Unggoy.” Sa kuwentong ito may mga bagay na dumikit sa bata para maging unggoy siya. Gumuhit ng linya mula sa mga bagay-bagay sa ibaba hanggang sa tamang bahagi ng katawan ng bata. Ginawa na namin ang isa bilang halimbawa.

  Activity Sheet 6

  Gumuhit ng linya para pagdugtungin ang larawan ng hayop sa pangalan nito. Optional: Isulat sa patlang sa tabi ng mga larawan ang tawag ninyo sa bawat hayop na naririto sa inyong wika.

  ABOUT THE EDITOR

  JOANNE MARIE IGOY-ESCALONA, MA-ECED, took her Bachelor of Arts major in Psychology and Bachelor of Education major in Guidance and Counseling at De La Salle University, Manila. She obtained her Master of Arts in Education, major in Early Childhood Education from the same university. She is currently working on her dissertation towards a Doctor of Philosophy major in Educational Management. She worked as an early childhood teacher for four years at the Xavier School in Greenhills, San Juan and at present teaches graduate and undergraduate students specializing in Early Childhood Education.

  Ms. Escalona also presented research papers in International Conferences on Early Childhood Education sponsored by the Pacific Early Childhood Education Research Association (PECERA) in Seoul, Korea; Bali, Indonesia; and Bangkok, Thailand. As the over-all conference/seminar coordinator of the Philippine Association for the Career Advancement of Educators (PACAE), she has organized International Conferences and National Seminars on Early Childhood Education. In addition to this, Ms. Escalona also developed instructional materials such as Music and Movement and Philippine Stories and Folktales in CD form for young children.

 

 

 


‹ Prev